-- Advertisements --

Isa pang Pilipino ang nahuling tumakas sa COVID-19 mandatory quarantine protocols matapos na mag-post sa social media na siya ay lumabas para magpamasahe.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, natuklasan nila ito matapos na nahuling tumakas sa kanyang quarantine hotel si Gwyneth Chua noong Disyembre para mag-party sa Poblacion, Makati at mag-ikot sa mga restaurants doon.

Sinabi ng mga opisyal ng Department of Interior and Local Government na maaring nasa 15 katao ang nahawaan ni Chua.

Samantala, hinimok naman ni Romulo-Puyat ang publiko na ibigay sa kanila ang pangalan ng mga COVID-19 quarantine violators upang kanila itong maimbestigahan.

Inaalam din aniya nila kung sangkot nga ba ang mga sindikato sa breach sa quarantine protocols sa ilang quarantine centers at hotels.