-- Advertisements --

Pinalitan ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. si Assistant Secretary James Layug bilang head ng DA office na pinapangasiwaan ang kampanya laban sa mga smuggler at hoarder ng mga produktong pang-agrikultura.

Itinalaga ni Laurel ang kanyang chief of staff na si Alvin John Balagbag, bilang undersecretary ng DA’s inspectorate and enforecement office.

Ang pagtatalaga kay Balagbag ay bahagi ng pagbabago sa key officials ng departamento.

Matatandaan na nauna nang itinalaga ni Laurel si dating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources director Asis Perez bilang undersecretary para sa policy, planning at regulations.

Pinalitan ni Perez si DA Undersecretary Drusila Esther Bayate, na dating hinirang bilang kapalit kay Undersecretary Mercedita Sombilla.

At si Sombilla naman ay undersecretary na ngayon para sa DA bureaus.

Habang si Bayate ay bumalik sa dati niyang posisyon bilang undersecretary for fisheries.