-- Advertisements --
alfredo pascual

Iniulat ng Department of Trade and Industry ang tuluyan nang paglagda ni Secretary Alfredo Pascual sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng One Town, One Product.

Maalalang unang ipinasa ang naturang batas upang mabigyan ng tulong at ma-prayoridad ang mga produkto at kapakanan ng mga bayan at syudad sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Sa naging pahayag naman ni Sec. Pascual, sinabi nitong magbibigay daan ang naturang batas upang mapalago pa ang mga industriyang ang pangunahing pokus ay ang mga produkto ng bawat lokal na pamahalaan.

Masusupurtahan aniya ang mga Micro, Small, and Medium-sized Enterprises (MSMEs) ng katuwang ng bawat lokal na pamahalaan sa produksyon at paghahanap ng mga produktong magsisilbing representasyon ng mga LGU.

Umaasa rin ang kalihim na lalo pang ipagmamalaki ng mga residente ang mga pangunahing produkto na gawa mismo sa kani-kanilang mga lugar, na siyang magiging identity ng mga baayan at syudad na kanilang nakagisnan.