-- Advertisements --
Nasa bansa ang Irish pop-rock band na The Corrs para sa kanilang dalawang gabi na concerts sa bansa.
Gaganapin ang nasabing concerts sa Oktubre 21 at 22 sa Smar Araneta Coliseum.
Ang banda ay binubuo ng magkapatid na Andrea, Sharon, Caroline at Jim.
Sa social media ni Sharon ay nagpost ito ng pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may caption an “This is The Right Time to Be Here”.
Unang nagconcert sa bansa ang grupo noong 2001 na ito sold-out gaya ngayong taon kaya ginawa nilang dalawang gabi ang konsiyerto.
Ilan sa mga pinasikat ng grupo ay ang “Runaway”, “Breathless”, “What Can I Do”, “All The Love In the World” at Maraming Iba pa.