Lalo pang bumuti ang kalidad ng internet service sa ating bansa sa mga nakalipas na buwan.
Batay sa pinakahuling Ookla Speedtest Global Index Report para sa April 2021, ang fixed broadband speed sa bansa ay tumaas sa 49.31 Megabits per second (Mbps) kumpara sa 46.25 Mbps lamang noong Marso.
Ang mobile speed naman ay nakapagtala ng average download speed na 29.12 Mbps kumpara sa 45.43 Mbps noong unang quarter ng taon.
Matatandaang simula noong November 2020, umangat na ng 23 points sa global ratings ang Pilipinas pagdating sa fixed broadband at 26 points naman sa mobile internet.
Umabot naman sa 523.38% ang itinaas ng fixed broadband speed.
Sa 176 na bansang na-evalute ng Ookla, ang fixed broadband speed ng Pilipinas ay nasa ika-80 puwesto, habang ang mobile naman ay ika-84 na puwesto.
Sa 50 bansa naman sa Asya, ang Pilipinas ay nasa ika-21 pwesto sa fixed broadband at ika-26 sa mobile.