-- Advertisements --

Binigyang diin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang inflation maaaring bumaba sa 2 porsiyento sa unang quarter ng 2024.
Sinabi ni Diokno na posibleng sumunod sa trend ang July inflation rate at mananatili sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 4.1 hanggang 4.9 percent.
Aniya, ang midpoint ay 4.5.% na kung saan ang inflation ay nasa target range ng BSP na 2% hanggang 4 %.
Dagdag pa ni Diokno, kapag nagtuloy tuloy ang pagbaba nito, maaaaring makapagtala rin ng mas mababa sa 2% sa unang bahagi ng taong 2024.
Kung matatandaan, bumaba ang inflation sa 5.4% noong Hunyo, mas mabagal kaysa sa 6.1% inflation rate na iniulat noong Mayo.
Ang inflation naman para sa Hulyo ay iaanunsyo sa Biyernes, Agosto 4 ng taong kasalukuyan.
















