Maghaharap na sa 78th edition ng NBA Finals ang Oklahoma City Thunder at Indiana Pacers sa darating na Hunyo 6.
Unang nakapasok sa finals ang Thunder ng talunin nila ang Minnesota Timberwolves sa Game 5 ng Western Conference Finals.
Habang ang Pacers ay inilampaso sa Game 6 ang New York Knicks.
Mayroong kabuuang 80 panalo at 18 talo ngayong season ang OKC kung saan na-sweep nila sa Round 1 playoffs ang Memphis Grizzles, habang nalusutan nila sa Game 7 ang Denver Nuggets sa Round 2.
Habang ang Pacers ay tinalo nila sa round 1 ang Milwaukee Bucks sa limang laro, pagdating sa round 2 ay nilampaso nila ang Cleveland Cavaliers.
Noong 1979 habang nasa Seattle Supersonics pa ang OKC ay nagkampeon sila laban sa Washington Bullets at ito na ang pang-limang beses na umabot ang koponan sa Finals.
Habang ang Indiana Pacers ay hindi nagkaroon ng Championship trophies sa kanilang prankisa kung saan ito ang pangalawang pagkakataon na nakapasok sila sa Finals na ang una ay noong 2000 ng talunin sila ng Los Angeles Lakers.
Ipinagmamalaki ngayon ng OKC si Shai Gilgeous-Alexander na siya ang unang point guard na nagwagi ng Most Valuable Player sa Western Conference kasunod kay Russel Westbrook.
May average points ito na 32.7 kada laro sa regular season, 6.4 assists, limang rebounds, 1.7 steals at isang block.
Habang sa Pacers ay tiyak na ipantatapat nila si Tyrese Haliburton na mayroong average na 18.6 points, 9.2 assists, 3.5 rebounds at 2.1 steals at blocks kada laro.
Sa dalawang pagkakataon na nagkaharap ang dalawang koponan sa regular ay kapwa nakuha ng Thunder ang panalo.