-- Advertisements --

Patay ang isang piloto ng Indian fighter jet matapos na ito ay bumagsak habang nagsasagawa ng airshow sa Dubai.

Ayon sa Indian Air Force na isang Hindustan Aeronautics Ltds Tejas jet ang bumagsak habang nagsasagawa ng airshow.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Indian Air Force sa mga kaanak ng biktima.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak.

Ang Dubai Airshow 2025 ay dinaluhan ng mahigit 148,000 na katao at mayroong 1,500 na mga kumpanya ang nagsagawa ng enxhibits.

Nangyari ang aksidente sa huling araw ng airshow na nagsimula pa noong Lunes at ginanap sa Al Maktoum International Airport.