-- Advertisements --
Patungo na sa bansang El Salvador si 1979 Miss International Melanie Marquez para suportahan ang anak na si Michelle Dee na kandidata ng bansa para sa Miss Universe pageant.
Aminado ang beteranang beauty queen na kinakabahan siya subalit naniniwala ito sa galing ng anak.
Saad nito na para siya ang kontestant kaysa sa anak dahil sa labis na kaba niya.
Nagdala ito ng maraming watawat ng bansa para kaniyang ipapamigay sa mga supporters at kababayan natin na manonood ng pageant.
Maaga na rin niyang pinasalamatan ang mga fans lalo na at nangunguna ang anak sa online voting.
Magaganap ang coronation night sa Nobyembre 19 ng umaga oras sa Pilipinas.