-- Advertisements --
Labis ang pagdadalamhati ngayon ng TV-host Mariel Rodriguez-Padilla dahil sa pagpanaw ng ina.
Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo nito ang pagpanaw ng inang si April Ihata.
Nagpost ito ng larawan na kasama ang ina at emosyonal ang naging caption nito.
Hindi naging madali sa kaniya ang mawalay sa ina dahil sa lumaki ito sa kaniyang lola mula ng maghiwalay ang magulang niya.
Bumuhos naman ang pakikiramay at pakikidalamhati mula sa kasamahan sa showbiz ni Mariel.
Ilan sa mga nagpaabot ng pakikiramay ay sina Nadine Samonte, Ruffa Gutierrez, ZsaZsa Padilla at maraming iba pa.