-- Advertisements --

Muling binuksan ng Department of Justice (DoJ) ang kanilang preliminary investigation sa criminal complaint na inihain laban kay Senator Aquilino Pimentel III dahil umano sa paglabag sa quarantine protocols noong Marso.

Ang submission ng National Bureau of Investigation (NBI) ang siyang naging daan umano sa reopening ng preliminary investigation, base sa September 9 order ni Assistant State Prosecutor Wendell Bendoval.

Ang kaso ay dati nang submitted for resolution buwan pa ng July.

Pero sinabi ni Bendoval na nagsumite ang NBI ng memorandum kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa insidente noong Setyembre 4.

Kabilang daw sa mga isinumite ng NBI ang kopya ng incident reports mula kay Makati Medical Center Director Saturnino Javier.

Kung maalala, umani ng kaliwa’t kanang batikos si Pimentel nang samahal nito ang kanyang asawa sa Makati Med na dapat ay naka-quarantine ito dahil sa nararamdamang sintomas ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kalaunan ay nagpositibo sa naturang sakit.