-- Advertisements --

Kokonsultahin ng Iloilo Provincial Government ang National Electrification Administration (NEA) pati na rin ang ilang electric cooperatives sa lalawigan kaugnay sa issue ng power shortage.

Ito ay matapos na nagbabala si Panglong Rodrigo Duterte na tatanggalin ang power cooperatives kapag hindi masolusyunan ang problema sa nangyayaring power interruption.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilko kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi niyang papaliwanain niya ang mga electric cooperatives sa lalawigan hinggil sa nararanasang problema sa kanilang serbisyo.

Naniniwala naman ang gobernador na malaki ang magiging epekto sa ekonomiya kapag magpapatuloy ang problema sa supply ng kuryente kung saan milyong mga residente ang maaapektuhan.