-- Advertisements --

Bumubuhos pa rin ang tulong para gitarista ng bandang Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee dahil sa dinaranas nitong sakit na lymphoma-induced pneumonia.

Isa na rito ang singer na si Ebe Dancel na ilalaan ang kita ng concert ng banda nitong SugarFree para sa hospitalization ni Gab.

Mula ng ianunsiyo nito ang bentahan ng tickets ay mabilis na itong naubos.

Una ng inaunsiyo ni Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda ang medical condition ni Chee Kee.

-- Advertisement --

Hiniling niya sa kapwa musikero at publiko ng tulong pinansiyal para sa pagpapagamot ng gitarista nila.

Ilan sa mga tumugon para magkaroon ng benefit show ang bandang Kamikazee at rapper na si Gloc9.