-- Advertisements --

Inilabas na ng organizers ng Miss Universe ang mga singers na magtatanghal sa pageant night.

Kinabibilangan ito nina Big Freeda, Amanda Shaw at Yolanda Adams.

Kasama rin dito sina Tank at the Bangas na sila ang manghaharana sa mga contestants.

Sa kaniya-kaniya nilang social media accounts ay nagpost ang mga ito ng kasabikan matapos mapabilang na magtanghal sa sikat na beauty pageant.

Gaganapin ang coronation night sa Enero 15 ng umaga oras sa Pilipinas kung saan nasa 84 beauty queens ang magtatagisan ng galing.