Nagwagi ang ilang mga local celebrities sa bansa sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election nitong Oktubre 30.
Naging landslide ang last term na panalo bilang punong barangay ng actress na si Angelika dela Cruz ng Barangay Longos, Malabon City.
Ang asawa naman ng komediyanteng si Vandolph na si Jenny Quizon ay nagwagi rin bilang punong barangay ng Tambo, Parañaque City.
Kasama niyang nagwagi ang kaniyang mother in law na si Alma Moreno na nanalo bilang barangay kagawad sa Tambo.
Nawagi rin bilang punong barangay ng Santolan, Pasig City ang dating PTV news anchor na si Gab Bayan.
Naluklok din bilang punong barangay ng BF Homes, Paranaque si Jeremy Marquez habang ang kapatid nito na si Paolo ay nagwagi bilang kagawad.
Ang magkapatid ay anak ng actor at dating Paranaque Mayor Joey Marquez.
Ipinagmalaki naman ng actress na si Rochelle Barrameda ang tagumpay ng anak na si Julia na nagwagi bilang SK chairwoman ng BF Homes.