-- Advertisements --
Naghayag ang ilang lider ng bansa ng suporta sa ginawang pagbibitiw sa puwesto ni British Prime Minister Liz Truss.
Sinabi ni French President Emmanuel Macron na dapat maresolba agad ang political stability sa UK.
Ayon naman kay London Mayor Sadiq Khan na nagiging katawa-tawa na sa panigin ng tao ang ginawang pagbibitiw ni Truss.
Anim na linggo pa lamang kasi ito sa puwesto ay agad na nagbitiw sa puwesto kaya nagpapatunay na walang matatag na gobyerno ang UK.
Pinanigan naman ni dating UK Prime Minster Theresa May ang ginawang ito ni Truss dahil sa kailangan talaga na magkaroon ng matatag na gobyerno ang UK.