-- Advertisements --
FRANKFURT – Sugatan ang ilang katao sa pananaksak sa isang express train sa pagitan ng south German cities na Regensburge at Nuremberg ngayong araw.
Sinabi ng tagapagsalita ng Oberpfalz police na isang lalaking suspect ang naaresto nila sa nangyaring knife attack sa Intercity-Express train.
Nauna nang sinabi ng daily Bild na tatlong katao ang sugatan sa naturang insidente.
Wala namang ebidensyang makakapagturo na mayroon pang hindi naarestong suspek sa ngayon maliban na lamang sa lalaking nahuli na ng mga pulis. (Reuters)










