-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang bayan sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO-Cotabato) na binaha ang mga bayan ng Magpet at Makilala Cotabato.

Dulot ito ng malakas na buhos ng ulan kaya rumagasa ang baha mula sa paanan ng Mount Apo.

Umapaw rin ang mga kailugan at nagkaroon pa ng pagguho ng lupa.

May mga pananim rin ang sinalanta ng baha at mga ari-arian.

Binaha rin ang bayan ng Alamada at mga mababang lugar sa bayan ng Pikit,Libungan,Midsayap at Pigcawayan Cotabato.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang clearing operation ng MDRRMO ng bawat bayan katuwang ang PDRRMO sa mga lugar na binaha.