-- Advertisements --

Makakaranas ng power interruption ang ilang bahagi ng Luzon, partikular na ang mga lalawigan sa labas ng Metro Manila sa darating na weekend.

Sa abisong inilabas ng Manila Electric Company o Meralco mula alas-11:30pm hanggang alas-11:59pm ng Mayo 18, 2024, araw ng Sabado, at mula alas-7:00am hanggang alas-7:30am ng Mayo 19, 2024, araw ng Linggo, makakaranas ng power interruptions ang ilang bahagi ng Luzon.

Ito ay upang magbigay-daan sa isasagawang maintenance aktibidad ng Meralco – Tayabas Substation na makakaapekto naman sa ilang lugar na nasasakupan ng Quezon Province at Laguna.

Bukod dito ay makakaranas din ng power interruption ang ilang bahagi ng Cavite mula alas-5:30am hanggang alas-6:00am at alas-6:00pm hanggang alas-6:30pm sa Sabado, Mayo 18, 2024, sapagkat nakatakda rin magsagawa ng preventive maintenance at testing activities ang National Grid Corporation sa DasmariƱas Substation nito.

Habang pagsapit naman ng Linggo, Mayo 19, 2024, ay nakatakda rin na magsagawa ng reconstruction works sa Pan-Philippine Highway na inaasahan din na magdudulot ng power interruptions sa ilang lugar na malapit dito kabilang na ang ilang bahagi ng lalawigan ng Batangas.