-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahaharap ngayon sa iba pang problema ang mga residente ng Fort McMurray, Canada maliban sa kasalukuyang krisis na dulot ng COVID-19.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Mildred Bomogao, sinabi nitong nakakaranas sila ng pagbaha sa mga nakalipas na araw.

Bunsod aniya ito nang matunaw ang yelo sa mga bundok sa Canada, na siyang nagpataas sa lebel ng tubig sa mga ilog dahilan para sila ay bahain.

Agad naman aniyang pinalikas sa mga evacuation centers ang maraming pamilyang apektado, pero mahigpit na sinusunod ang quarantine protocols dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic.

Inaasahan aniyang tatagal ang mga evacuees sa evacuation center sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.