-- Advertisements --

Kinondina ng ilang opisyal ng Poland ang ginawang LGBT promotion ng US band na Black Eyed Peas.

Kabilang kasi ang grupo na nagtanghal sa concert na ginanap sa pagsalubong ng Bagong Taon kung saan nakasuot ang mga ito ng kulay bahaghari na armbands.

Nasa mahigit 8 milyon ang nanood ng nasabing show na ginanap sa ski resort ng Zakopane.

Isang ministro ang nagsabi na ang LGBT promotion nila ay isang pagkakamali.

Tumanggi naman ang main governing party na masangkot sa nasabing kontrobersiya.

Mahigpit pa ring pinagbabawal sa Poland ang LGBT kung saan mismong si President Andrzej Duda ang gumamit ng anti-LGBT para manalo sa halalan noong 2019 at 2020.