Hinimok ni Sen. Risa Hontiveros ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na palawigin pa ang implementasyon ng kanilang increase sa coverage ng mga miyembrong dialysis patients.
Ayon kay Hontiveros, huwag sanang limitahan ng PhilHealth hanggang December 31, 2020 ang pinalawak na dialysis coverage lalo na’t nasa ilalim pa rin ng public health emergency ang bansa.
Para sa senadora, malaking pakinabang sa mga nagpapa-dialysis kung gagawin ng permanente ng state-health insurer ang polisiya.
“I thank PhilHealth for having this consideration for dialysis patients, pero ‘wag na natin lagyan ng expiration date ang pribilehiyong ito, lalo na sa panahon ng malalang sakuna at pandemya,” ani Hontiveros sa isang statement.
Sa ilalim kasi ng bagong patakaran, pinalawig pa mula 90 hanggang 144 sessions ang coverage ng PhilHealth para sa dialysiis hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.
“The 144 session PhilHealth coverage isn’t just crucial just because we are in a public health emergency. Dialysis is life-saving, but it is a massive financial burden to have to cash out 12,000 pesos a week, with or without an economic crisis. Kaya iminumungkahi ko na gawing permanente ito para hindi na malito sa pabago-bagong polisiya.”
“I am warning non-compliant dialysis centers that your accreditation can and will be revoked if you do not follow the circular. Dapat mahigpit itong i-monitor ng PhilHealth, at sana tulungan din sila ng support groups.”
Nanawagan si Hontiveros sa mga opisyal ng PhilHealth na maglabas na agad ng implementing rules and regulations para wala ng maging dahilan ang mga health institution na hindi sundin ang polisiya.










