-- Advertisements --

“Midlife crisis” kung ituring ng Hollywood actor na si Macaulay Culkin ang pagsapit ng kanyang ika-40 taong kaarawan.

Ayon kay Culkin, hindi na talaga siya bata pero tila interesadong maging abala sa surfing.

Home Alone kid

“Since I’m 40 I think it’s about time to start my midlife crisis. I’m thinking of picking up surfing. Do you all have any suggestions?” saad nito sa kanyang Twitter account na @IncredibleCulk.

Si Culkin ay nakilala sa pagiging child star noon at bumida sa classic film franchise na “Home Alone.”

Gumanap siya sa naturang Christmas themed movie bilang si Kevin McCallister.