-- Advertisements --
Pumanaw na ang Hollywood actor na si Robert Carradine sa edad na 71.
Kinumpirma ng kaniyang kaanak na kinitil ng aktor ang sariling buhay matapos ang pakikipaglaban sa Bipolar Disorder ng mahigit dalawang dekada.
Humingi na rin ang pamilya nito ng privacy habang sila ay nagluluksa.
Siya ang bunsong anak ng legendary actor na si John Carradine kung saan ang mga kapatid nito ay actor na sina David at Keith.
Nakasama siya sa mga pelilkulang “Coming Home” at “Mean Streets”.
Habang mas nakilala siya sa pelikulang “Revenge of the Nerds,” noong 1984.
Matapos ang dalawang dekada ay mas nakilala ito sa pelikulang “Lizzie McGuire” na isang sikat na Disney television.










