-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Hollywood actor Henry Cavill na hindi na ito gaganap bilang “Superman”.

Sa kaniyang social media ay isinagawa nito ang anunsiyo matapos ang pakikipagpulong sa mga opisyal ng DC Studios na pinamumunuan nina Peter Safran at James Gunn.

Pinasalamatan nito ang mga fans at mga nakasama sa pelikula dahil sa naging tagumpay ng nasabing pelikula.

Nitong Oktubre kasi ng inanunsiyo ng actor na babalik sa pagganap niya bilang Superman sa pelikula.

Taong 2013 ng gumanap si Cavill sa Superman sa pelikulang “Man of Steel”.