-- Advertisements --

Itutuloy pa rin ng mga transport group ang hirit nilang taas pasahe.

Ito ay kahit na nagkaroon ng bawas presyo sa krudo nitong Martes.

Sinabi ni PasangMasda president Obet Martin na hindi nagbabago ang kanilang hirit na dagdag pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ang nasabing pagbaba kasi ng presyo ng krudo ay kakapiranggot lamang at hindi pa umabot ng P50 kada litro ito.

Umaasa ang grupo na mapagbibigyan sila sa kanilang kahilingan.