Hindi bababa sa 100 katao ang napatay sa isang pag-atake sa isang military academy sa Syria.
Ayon sa war monitor at isang opisyal, may mga weaponized drone na binomba ang ilang nasabing lugar matapos umalis ang defense minister ng Syria sa isang graduation ceremony.
Isa ito sa pinakamadugong pag-atake laban sa isang Syrian army installation.
Napatay ang mga sibilyan at tauhan ng militar sa pag-atake sa military academy sa gitnang lalawigan ng Homs, at idinagdag na gumamit ng drone ang mga grupong “terorista”.
Hindi tinukoy ng mga awtoridad ang isang organisasyon at walang grupo ang agad na umangkin ng responsibilidad para sa nasabing pag-atake.
Una na rito, batay sa isinasagawang imbestigasyon, 100 indibidwal ang nasawi at 125 pa ang sugatan matapos ang pag-atake ng hindi pa kilalang terorrist group.