-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Senador Jinggoy Estrada na pagsamahin ang mga kasong plunder at graft na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y maanomalyang mga proyektong flood control.

Ayon sa korte, magkakaiba ang mga transaksyong saklaw ng mga kaso kaya’t hindi nararapat ang consolidation.

Binibigyang-diin din ng Sandiganbayan na maaaring maantala ang pag-usad ng mga graft cases kung isasama ito sa plunder case, na isang non-bailable offense maliban na lamang kung mapagbigyan ang petisyon para sa piyansa.

Dahil dito, magkakahiwalay na didinggin ang mga kaso laban kay Estrada.

Samantala, nahaharap pa rin ang senador sa iba pang kasong graft kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nakabinbin pa mula noong 2014.