-- Advertisements --
bangsamoro

Gagamitin daw sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang financial aid na ibinigay ng bansang Canada.

Ang ibinigay na 12 million Canadian dollars o katumbas ng P519 million ay inanunsiyo kasabay ng pagbisita ni Canadian Trade Minister Mary ng bansa.

Malaki raw itong tulong para sa climate finance mechanism at peace efforts sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang anunisyo ng Canadian official na bumisita sa bansa mula Setyembre 18 hanggang 20 ay sa ngalan na rin ng International Development na siyang responsable sa Pacific Economic Development Agency ng Canada.

Kasunod nito, inanunsiyo naman ng Canadian Embassy in Manila na ang bagong pondo ay magagamit para sa tatlong proyekto.

Ang 4.5 million Canadian dollars o katumbas ng humigit kumulang P195 million ay gagamitin para mapabilis ang pag-usad ng private capital sa mga investments sa nature-based solutions.

Makatutulong din umano ang naturang halaga para sa pagpapaganda ng financial institutions’ integration of gender-responsive at climate-related policies sa kanilang mga lending programs at magpapatatag sa monitoring at reporting ng Sustainable Development Goals’ impacts ng green at climate investments.

Nasa 3 million Canadian dollars o katumbas ng P130 million ay gagamitin namang pondo para sa United Nations Women at UN Development Programme initiative para maiwasan ang insecurity at karahasan sa mga conflict-affected communities sa Bangsamoro.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalakas sa papel ng mga kababaihan bilang peace mediators.

Ang proyektong magtatagal ng tatlo at kalahating taon ay layong mapaganda rin ang kapasidad ng gobyerno para makapagbigay ng polisiya at mga programa para sa conflict prevention at resolution.

Ang natitira namang remaining 4.5 million Canadian dollars ay mapupunta sa Bangsamoro Normalization Trust Fund (BNTF).

Layon nitong maalalayan ang mga dating combatants ng Moro Islamic Liberation Front at kanilang mga komunidad para maabot ang kanilang hinahangad na kalidad ng buhay.

Looking forward din umano ang Canada sa pagtulong sa Manila para sa pagpapatayo ng mga ospital, kalsada at mga tulay para makalikha nang mas maraming trabaho.

Ito ay sa pagnanais na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng infrastructure investments sa bansa.