-- Advertisements --

CEBU – Umaabot sa P3.4 million na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 sa isinagawa nilang hiwalay na buy bust operation sa Sibulan, Lungsod ng Dumaguete, Negros Oriental.

Kinilala ang mga naaresto na sina Engelbert Estrella, 37-anyos na taga-Barangay Boloc-Boloc, Negros Oriental; at Jimmy Tanilon, 27, taga-Barangay Cadawinonan, Dumaguete City.

Nabatid na sangkot ang dalawa sa una nang naaresto ng PDEA na nagngangalang Glazer Argote na diumano’y supplier ng iligal na droga sa Negros Oriental, habang si Tanilon ang tagabantay ng mga iligal na droga na darating galing sa lalawigan ng Cebu.

Nakuha sa operasyon ang 510 grams ng shabu na umabot sa P3,468,000.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa Article II, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.