-- Advertisements --
Lumagpas na sa pitong milyon ang mga kaso ng coronavirus sa India.
Ito ay makaraang kumpirmahin ng India Health Ministry na panibagong 74,383 ang COVID cases sa nakalipas lamang na 24 oras.
Sa ngayon nasa 7,053,806 na ang nahawa sa virus.
Samantala umaabot naman sa 918 ang panibagong namatay sa deadly virus.
Ang official death toll sa India ay nasa 108,334 na.