-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang high value individual na lalaki kasunod ng pagkaaresto nito sa isingawang operasyon noong Huwebes, Setyembre 1, sa Tagbilaran City Bohol kung saan nasabat ang mahigit isang milyong halaga ng shabu.

Nakilala ang mga naaresto na sina Irwin Saco Ang, 39 anyos at Zacarias Macalino Gonodong, 35 anyos, kapwa residente ng Brgy Mangga, ng nasabing lungsod.

Nakumpiska mula sa posisyon ng mga ito ang 220 gramo ng hinihinalang shab u na nagkakahalaga ng aabot sa P1,490,000.

Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.