-- Advertisements --

Inamin ni Heaven Peralejo na siya ay nasasaktan na sa tuwing naididikit sa pamilya Pacquaio ang uri ng kanyang lifestyle sa kasalukuyan.

Sagot ito ng 20-year-old actress matapos ang panibagong akusasyon sa kanya na humingi raw ng P100,000 na ayuda sa pamilya ng kanyang ex-boyfriend na si Jimuel Pacquiao.

Ayon sa pamangkin ng magkapatid na dati ring celebrity na sina Rica at Paula Peralejo, ilang linggo rin siyang sadyang nanahimik sa isyu bago tahasang magsalita upang igiit na galing sa sarili niyang pagsisikap ang lahat ng ginagastos na pera.

“The past few weeks have redefined the public’s impression of me. It was hurtful and I needed some time to think it through,” saad nito sa tinatawag na IG story. “I’ll get straight to the point. I didn’t ask anyone for money. I am beyond grateful that I am blessed with opportunities to earn an honest living. Whatever I have now is a product of my hard work and not extracted from anyone’s pockets.

Nabatid na maismong pamilya Pacquiao na ang nagtatanggol sa young actress laban sa mga nagkokomento sa una’y blind item pero nababanggit ng beteranang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis.

Sa panig ng dating kasintahang si Jimuel, walang naganap na anomang komunikasyon tungkol sa pera gaano man sila nananatiling “in good terms” sa kabila ng paghihiwalay.

“I would like to clarify that the issue posted by Lolit Solis and fashionpulis about Heaven is false. There was no money given and there was no communication,” ang post naman ng panganay nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao. “We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up. She is not the type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing.”

Noong nakaraang taon nang maakusahan si Heaven na ginamit daw ang credit card ni Jimuel, bagay na kanya ring pinabulaanan.

March 2019 naman nang aminin ng dalawang ang kanilang pagiging magkasintahan pero nauwi rin sa break-up matapos lang ang ilang buwan.

Si Jimuel ang tila sumusunod sa yapak ng fighting senator sa larangan ng boxing ring.