-- Advertisements --
Malaki pa rin ang tiwala ng Miami Heat na makakaganti sila kahit na lamang na ng dalawang games ang Los Angeles Lakers sa kanilang NBA Finals.
Sinabi ni Heat coach Erik Spoelstra, na may mga malaking adjustment na silang ginagawa.
Hindi pa rin aniya matiyak kung makakapaglaro na ng tuluyan ang dalawa nitong manlalaro na sina Bam Adebayo at Goran Dragic.
Dagdag pa nito na agresibo ang dalawa na makapasok na sa laro noon pang Game 2 subalit pinigilan sila at kailangan muna nila ang mga ito ay mamahinga.
Ayon naman kay Heat rookie Tyler Herro na mayroong magandang laban silang ipapagana sa Game 3 nila ng Lakers.
Gaganapin ang Game 3 ng NBA Finals sa Lunes 7:30 ng umaga.