-- Advertisements --

Naayos na ang defamation case na inihain ng actor na si Johnny Depp sa dating asawang si Amber Heard.

Sa socal media ng 36-anyos na si Heard sinabi nitong naging mahirap para sa kaniya ang nasabing desisyon.

Paglilinaw nito na ang ginawa niya ay hindi isang uri ng pag-atras na o pagsuko na sa kaso.

Naglabas kasi ang hatol ang korte na siniraan ng actress ang 59-anyos na dating asawa nito.

Hindi na man malinaw kung magkakaroon na ng pag-aayos ang dalawa.

Magugunitang noong nakaraang dalawang linggo ay umapela ang actress na kung maari ay baligtarin ang kasong inireklamo ng asawa nito.

Pinaburan ng korte ang actor kung saan pinagbayad ang actress ng $15 milyon bilang damyos.