-- Advertisements --

Lalo pang tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ng hypertension o altapresyon.

Sa virtual press conference ng Philippine Heart Association, sinabi ni Dr. Jorge Sison, consultant sa Adult Cardiology sa Makati Medical Center, na nasa 37 percent ng mga Pilipino ang hypertensive.

Ang prevalence naman ng naturang sakit sa mga adolescents ay nasa limang porsiyento.

Ang Ilocos Region na mayroong 51 percent ang mayroong pinakamataas na prevalence sa buong Pilipinas, na sinundan ng Cagayan Valley sa 42 percent, at Western Visayas sa 43 percent.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Beverly Ho, director ng Health Promotions Bureau and the Disease Prevention and Control Bureau ng Department of Health (DOH), ang mga non-communicable disease (NCDs) tulad ng cardiovascular disease, cances, chronic respiratory disease, at diabetes pa rin ang siyang nangungunang dahilan nang pagkamatay sa buong mundo.

Iginiit ng mga eksperto ang kahalagahan nang prevention, screening, at maagang diagnosis at treatment ng mga non-communicable disease ang pinaka-kailangan ng isang indbidwal.