-- Advertisements --

Nasungkit ng Houston Rockets ang Game 1 matapos na talunin ang No. 1 seed sa Western Conference na Los Angeles Lakers, 112-97.

Nanguna si James Harden sa opensa na may 36 points habang sina Russell Westbrook ay nagdagdag ng 24 points at si Eric Gordon ay nagtapos sa 23 points para sa No. 4 seed na team.

Mistulang walang pagod mula sa 7 games ang Rockets, samantalang anim na araw na nakapagpahinga ng husto ang Lakers.

Bagamat may 25 points, 14 rebounds  si Anthony Davis, si LeBron James ay nagpakita ng 20 points  at eights rebound, inalat naman ang kanilang mga kasama.

Ang Game 2 ay gagawin sa Lunes.