-- Advertisements --
CelticsBoston

Pahinga muna ngayong araw ang NBA matapos ang makapigil hininga na mga games kahapon.

Ang Game 2 ng Eastern Conference finals sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat ay itinakda bukas ng alas-7:00 ng umaga.

Kung maalala una nang nakuha ng Miami ang Game 1 kahapon matapos ang overtime game.

Inaasahang tatangkain ng Celtics na maitabla ang laban para hindi sila maibaon sa 2-0 bentahe ng Miami.

Samantala itinakda na rin sa Sabado ang unang game sa Western Conference finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Denver Nuggets.

Kahapon ay ginulat ng Nuggets ang mundo ng basketball makaraang magtala nang kasaysayan nang itumba ang powerhouse team na Los Angeles Clippers ni Kawhi Leonard mula sa pagbangon sa 3-1 deficit.