-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inihanda na ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang kaukulang kaso parikular sa paglabag ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 na kanilang isasampa laban sa dalawang suspected drug pushers na naaresto sa isinagawa na pinag-isang operasyon kasama ang PNP at kasundaluhan sa Barangay Matampay, Marawi City, Lanao del Sur.

Kinilala ni BARMM-PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang mga naaresto na sina Ating Pundogara alyas Alex at Norhatah Bonsalagan alyas Antik na kapwa residente sa lugar.

Inihayag ni Azurin na nakompiska mula sa mga suspek ang tinatayang isang kilo na pinaghihinalaang drogang shabu na inilagay sa isang cellophane,isang libo na pera na inilgay sa bundle na boodle money, kulay pula na KIA vehicle,klase-klaseng IDs at assorted celphones.

Ang nabanggit na mga suspek na nakunan ng halos P7 milyon na halaga ng suspected shabu ay ipinagkatiwala ang kustodiya sa PDEA-BARMM para sa paghahain ng kaso sa susunod na linggo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong ganitong halaga na nasamsam ang anti-illegal drugs team ng gobyerno subalit maraming beses na loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao simula pa sa nakaraang mga taon.