Aabot na sa halos 60 million Pilipino ang naisyuhan ng kanilang Philippine Identification System (PhilSys) IDs ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa naturang bilang, nasa kabuuang 29,119,471 PhilIDs o national IDs ang naipadala habang nasa 30,738,330 ePhilIDs o ang digital version ng national ID na naimprinta a registration centers ang naisyu na.
Inilarawan naman PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa ang development na ito bilang milestone para sa Philippine Identifiction system kasaby ng pagpapatuloy ng pagsisikap na maabot ang target na paglikha ng isang Makabagong Pilipinas kung saan mas accessible na ang mga serbisyo para sa lahat ng mga Pilipino.
Tiniyak din ng PSA chief na lahat ng nakarehistro na ay makakatanggap ng kanilang national IDs at ePhilIDs.
Muling binigyang diin din ng PSA na ang pag-claim ng printed e-Phil ID ay libre at maaaring gamitin bilang patunay ng pagkakakilanlan sa mga transaksiyon sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno, LGUs at iba pang institusyon.
Una ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa PSA na maabot ang target goal na 92 million sa kalagitnaan ng 2023 na binanggit ng Pangulo na may mahalagang papel sa digital transformation sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA).