Isang barkong pangisda ng China ang tumaob sa central Indian Ocean na kung saan nawawala ang mga tripulante nitong 17 Chinese, 17 Indonesian at limang Filipino sailors.
Ayon sa mga awtoridad, wala pang nakikita sa nasabing mga nawawala at nag-utos na umano si Chinese Pres. Xi Jinping ng isang search and rescue operation.
Ang barko na tumaob ay kinilalang Lu Peng Yuan Yu 028.
Ang search and rescue team mula sa buong rehiyon ay dumating na sa pinangyarihan at ang China ay nagtalaga ng dalawang sasakyang pandagat upang tumulong sa operasyon.
Inilunsad ng Ministry of Foreign Affairs ng Beijing ang isang “emergency mechanism for consular protection” na kinabibilangan ng mga embahada at konsulado sa Australia, Sri Lanka, Maldives, Indonesia, Pilipinas at iba pang bansa.
Sa ngayon, mahigpit pa din ang isinasagawang search and rescue operation sa mga nawawalang sakay ng nasabing tumaob na barko.
Iniimbestigahan na rin ng mga kinauukulan kung ano ang naging sanhi ng naturang insidente sa nasabing karagatan.