-- Advertisements --

Tinatayang 17 pasahero ang nasawi matapos magbanggaan ang isang bus at tren sa Thailand bandang alas-9:00 Linggo ng umaga (Manila time).

Ayon sa district police chief, patungo sana sa templo sa probinsya ng Cha Choeng Sao ang mga pasahero ng bus nang mangyari ang insidente.

Maliban sa mga binawian ng buhay, 29 katao pa ang nasugatan.

Makikita sa paligid ng train tracks ang mga nagkalat na metal at debris, gayundin ang mga tumilapon na gamit ng mga namatay.

Ang nasabing lugar kung saan idaraos ang seremonya sa pagtatapos ng Buddhist Lent, ay dalawang oras pang binabiyahe mula sa kabisera na Bangkok bago marating. (CNA photo)