Tuloy-tuloy pa rin ang pagpasok ng mga smuggled goods sa Pilipinas sa kabila ng mga restrictions bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sa pulong ng House Committee on Public Accounts, iniulat ni BOC Commissioner Leonardo Guerrero na mula noong Enero hanggang Oktubre 2021 ay papalo na sa P23 billion ang halaga ng smuggled goods na kanilang nasabat mula sa 743 seizures.
Noong nakaraang taon naman ay aabot sa P10.629 billion ang halaga ng smuggled goods na kanilang nasabat sa 997 operations.
Bago naman nagkaroon ng pandemya, noong 2019 ay tinatayang P20.584-billion halaga ng smuggled goods ang kanilang naharang sa 613 seizures.
Mula noong 2019 hanggang Oktubre 2021 kabuuang 188 criminal cases ang naihain sa Department of Justice.
Oaoalo naman sa 1,360 importers at 394 customs brokers ang binawian ng accreditation, ayon kay Guerrero.