(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang lima sa anim na miyembro ng sindikato na nasa likod nang panghihingi bayad ng ilang pamilyang Filipino para maka-avail ng mga programa ng DSWD sa bansa.
Paglalahad ito ni DSWD Secretary Erwin Tulfo matapos naaresto ang isa sa mga miyembro ng mga sindikato na si John Carl Mendoza alyas Jay Lagrimas ng Cavite sa pinag-isang operasyon habang nagsagawa ng ilegal na gawain sa Cagayan de Oro City.
Sinabi ni Tulfo na kabilang sa pinaghahanap ng law enforcers na kasamahan ni Mendoza ay sina Henry Saguiwalo;Arcellie at Bebot Agustin;Robert Mejas at Shane Acedera na lahat nakabase sa Metro Manila.
Kaugnay nito,kakasuhan nila ang mga suspek nang paglabag ng usurpation of authority at falsification of public documents sa piskalya nitong lungsod.
Natuklasan na apat na taon ng nasa gawain ang nabanggit na grupo kung saan higit isang milyong piso na ang napepera nila sa kanilang mga biktima sa ilang bahagi ng bansa.