-- Advertisements --

Minalas ang bansang Greece at ang dating two-time NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo matapos na masilat ng Germany sa nagpapatuloy na EuroBasket sa score na 107-96.

Sinamantala ng Germany ang kanilang homecourt advantage upang umusad sa semifinals at gumanda pa ang tiyansa na magkampeon muli.

Si Giannis naman ay nasayang ang matinding performance nang kumamada ng 31 points, walong assists at seven rebounds.

Gayunman na-eject si Giannis dahil sa dalawang beses na unsportsmanlike fouls.

-- Advertisement --

Ang national team ng Germany ay meron ding dalawang NBA players sa katauhan nina Dennis Schroder at si Daniel Theis. (with reports from Bombo JC Galvez)