-- Advertisements --
image 169

Umapela ang regulatory body para sa government-owned and controlled corporations ng karagdagang pondo sa susunod na taon.

Ang Governance Commission for GOCCs (GCG) ay humihingi ng ₱168 milyon pa mula sa ₱210 milyon na inaprubahan ng Department of Budget and Management para sa 2024.

Ayon kay Governance Commission for GOCCs director Johann Barcena, ito ay para mas mahusay at mapalakas pa ang kanilang ginagampanang tungkulin.

Sinusubaybayan at sinusuri ng Governance Commission for GOCC ay sinusubaybayan ang mga performance ng mga government-owned and controlled corporations.

Aniya, ang kanilang tanggapan ay humihiling ng karagdagang bugdet para sa mga local travels upang makapagsagawa kami ng onsite validations.

Binanggit din ng Governance Commission for GOCC na kailangan ang karagdagang budget para sa pagkuha ng mas maraming tauhan, pag-upgrade ng information and communication technology facilities, at iba pang operational expenses para sa kanilang tanggapan.