-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mismong si Surigao del Sur Governor Alexander “Ayec’ Pimentel ang nagkumpirmang nahawaan ito ng coronavirus.

Ayon sa gobernador, nakuha niya ang virus sa kanyang pag-iikot sa mga barangay upang ipagbigay-alam sa mga constituents ang sitwasyon ng probinsiya na ngayo’y nasa kritikal na at ang pagbibigay ng livelihood program sa mga Indigenous People sa panahon ng pandemya.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy naman ang kanyang trabaho habang nasa bahay sabay pasasalamat na walang nahawaan sa kanyang pamilya pero naka-isolate pa rin bilang preventive measure.

Nananalangin din ito na sana’y mabigyan pa ng mahaba-habang buhay upang maserbisyuhan pa ang mga Surigaonons.

Umapela na lamang ang gobernador ng kooperasyon sa lahat na sundin ang kanyang executive order na magpa-rapid test sakaling papasok ng Bislig at Tandag City.