-- Advertisements --

Masayang ibinalita ng Korean group na TWICE na napili silang makatanggap ng award sa annual Billboard Women in Music Awards.

Sa kanilang social media account ay nagpost ang mga ito na pagdalo sa nasabing event na gaganapin sa Marso 1 sa Los Angeles.

Labis silang nasiyahan sa parangal na kanilang natatanggap at pagdalo sa events.

Kamailan lamang ay inilabas ng grupo ang ikalawang English single nila na “Moonlight Sunrise”.

Ang grupo ay binubuo ng siyam na miyembro na sina Jihyo, Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Mina, Dahyun, Chaeyoung, at Tzuyu.

Nakatakda rin silang maglabas ng kanilang ika-12th mini album sa buwan ng Marso.