-- Advertisements --

Tinapos na ng Barangay Ginebra ang tatlong taon na pagkauhaw sa kampeonato.

Ito ay matapos na talunin nila ang TNT Tropang 5G sa score na 88-76 sa Game 7 ng kanilang 50th Season Commissioner’s Cup Finals.

Huling nakakuha kasi ng kampeonato ang Ginebra ay noong 2022-23 Commissioner’s Cup.

Ito na rin ang pang-16 na kampeonato ng Ginebra kung saan pang-26 naman na titulo ni coach Tim Cone.

Nagkamit rin ng record ang Game 7 ngayong taon dahil pumalo sa 24,617 fans ang nanood ng nasabing laro.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 30 points, habang tinanghal na finals Most Valuable Player si Scottie Thompson na nagtala ng 19 points, 11 rebounds at walong assists.