-- Advertisements --
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra para makapasok sa finals ng 2021 PBA Governors’ Cup.
Ito ay matapos na talunin nila ang NLEX Road Warriors 104-94 at makuha ang 2-0 na bentahe sa kanilang best of five semifinals.
Nanguna sa panalo ang kanilang import na si Justin Brownlee na nagtala ng 32 points, nine rebounds at anim na assists habang si Scottie Thompson at Christian Standhardinger ay mayroong tig-17 puntos.
Mula sa simula ng laro ay hawak na ng Ginebra ang kalamangan.